Pag Ibig Sa Tinubuang Lupa Kasabihan
Pag ibig sa tinubuang lupa kasabihan
Answer:
Habang binabasa ko ang tula ni Andres Bonifacio namulat ako sa mga katotohanan na ang isang tao ay may labis na pagmamahal sa kanyang bayan. Wala itong kapantay. Handa tayong lumaban para lang mapagtanggol nating ang mahal nating bayang sinilangan. Gaya nga ng pagmamahal ni Bonifacio sa Pilipinas, ipinaglaban niya ito sa mga Kastila. Siguro sa panahon ngayon marami paring Pilipino ang tatayo para sa kanyang bansa para lang ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas na inaape ng ibang bansa. Gaya ng hindi makatarungan pag-angkin ng China sa Spratlys. Pilit nila itong inaangkin kahit na malayo sa kanilang teritoryo ang nasabeng isla.
May kasabihan nga tayo na “ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay walang mapaparoonan” na nagsasabing ang bawat tao ay dapat tumanaw ng utang na loob sa bayang sinilangan. At ang isang taong maka-Pilipino ay marunong lumingon sa pinanggalingan. Walang kayang tumantay sa pagiging makabayan. Kahit na ginto pa ang itapat. Marami mang Pilipino ang nangibang bansa pero ang kanilang puso at isip ay nakatuon sa Pilipinas. Kaya lamang sila napipilitan magtrabaho sa ibang bansa sa dahilang mas maunlad ang ekonomiya ng ibang bansa kesa sa atin. Sa dami ng nanakot sa bansa sa atin at sa dami ng naging utang natin sa ibang bansa naging mahirap para sa Pilipinas ang bumangon. Nakakaraos na muli tayo sa paghihirap ngunit naging mabagal ang ating pag-unlad. Kahit na sa ganitong lagay marami pa ring mga Pilipino ang naniniwala na balang araw magiging isa na tayo sa pinaka maunlad na bansa sa mundo.
Sa lahat ng pagtitiyaga nating umulad at mapabuti ang ating bayan hanggang sa ating pagkamatay, ang bayan pa din ang ating iniisip. Kahit na sa makabagong panahon marami pa din ang nagiging tapat sa bayan. Gaya ng mga guro. Sila ang ating inaasahan para tayo’y matutong magbasa at magsulat. Sila ang nagsisilbing gabay sa ating pag-unlad. Kung wala ang mga guro hindi na tayo magiging maunlad
Explanation:
I hope I help
Comments
Post a Comment