Gumawa Ng Kwetong Bayan Tunkol Sa Muslim

Gumawa ng kwetong bayan tunkol sa Muslim

Answer: ang alamat ng Mindanao

Si Sultan Kumpit ay isa sa mga naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya ay matalino ngunit ang mga Muslim ay takot sa kanya dahil sa siya raw ay masungit. Ang sultan ay may kaisa-isang anak na dalaga. Ang pangalan niya ay Minda.

Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng prinsesa ay marami ang nanliligaw dito. Kabilang na ang mga sultan, raha, datu at prinsipe ng ibat ibang pulo. Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may kani-kaniyang katangian kung kayat nagpasiyang magbigay ng tatlong pagsubok si Sultan Kumpit. Ang mananalo sa tatlong pagsubok na ito ang siyang mapalad na makaka-isang dibdib ng kanyang anak.

Ang unang pagsubok ay kung sino ang makapagsasabi ng kasaysayan ng kanyang angkan hanggang sa ikasampung salin nito.

Ang ikalawang pagsubok naman ay kinakailangang malagpasan ang kayamana ng hari upang maging daan patungo sa ikatlong pagsubok

sumali din ang kilalang prinsipe kinang.Siya ay nakapasa sa unang pagsubok ngunit natalo sa ikalawang pagsubok sapagkat ang kanyang tatlong tiklis na ginto ay nahigitan ng apat natiklis na ginto ng hari.

Isang matalinong prinsipe ang nais na sumubok.  Ngunit bago niya ito gawin ay nag-isip siyang ma buti kung papaano niya matatalo ang kayamanan ng Sultan.Nanghiram siya ng ginto sa kanyang mga kaibigang maharlika hanggang sa makatipon siya ng labintatlong tiklis ng ginto.Nagbihis at nag-ayos ng buong kakisigan si Prinsipe Lanao.Una niyang nakausap si Prinsesa Minda.at agad namang sumang ayon ang princesa natuwa ang principe dahil alam nyang may pagtingin din ang princesa sakanya.O, ano ang masasabi mo sa iyong angkan?" ang unang pagsubok ng sultan kay Lanao. Mabilis na isinalaysay ni Lanao ang kanyang lahi ngunit muntik na itong mabuko sa ikasampung salin. Nakaisip siya ng pangalan at nag-imbanto ng kagitingan nito. Laking pasasalamat niya nang siya ay makapasa sa unang pagsubok.Sa ikalawang pagsubok ay,nanalo din ang principe sapagkat meroon syang labing tatlong tiklis ngunit ang sultan ay pito lamang. Ganito naman ang ikatlong pagsubok. Ikaw ay tutulay sa isang lubid sa may malalim na bangin. Pag itoy nagawa mo ay ikakasal kayo ng aking mahal na prinsesa sa pagbibilog ng buwan,Umalis si Lanao napunong-puno ng pag-asa dahil lagi syang tumatawid sa baging ng sampayan.ngunit may masama palang balak ang sultan.nadinig ito ni Minda kaya nman sinabi nya ito agad kay Lanao kaya naman ay nakatawid si Lanao ng matagumpay at silay ikinasal. Dahil sa kabaitan ay napamahal sa mga tao ang dalawa kayat ang malaking pulong iyon ay pinangalanang Minda-Lanao na di nagtagal ay naging "Mindanao."

sorry po medyo weird po yung story ko pero diba po may muslim sa mindanao pero di ko po sure hehe pero atleast hope kopo na enjoy your reading:>


Comments