Panuto: Isulat Ang Salitang Wasto Kung Ang Pahayag Ay Wastong Paggamit Ng Likas Na Yaman At Di Wasto

Panuto: Isulat ang salitang WASTO kung ang pahayag ay wastong paggamit ng likas na yaman at DI WASTO naman kung ang pahayag ay nagpapakita ng di tamang paggamit ng likas na yaman.

1. Pagputol ng malaking puno upang gamitin sa mga imprastraktura.

2. Pagbabawas ng paggamit ng plastic.

3. Pagpapanatili sa kalinisan ng paligid lalo na saga lugar na dinarayo ng mga turista.

4. Pagsusunog sa mga tanim upang mapatayuan ng mga bahay.

5. Pagsuporta ng inyong Barangay sa wastong pagtatapon ng basura.

Answer:

Paggamit ng Likas na Yaman

Narito ang mga tamang sagot:

  1. Di wasto
  2. Wasto
  3. Wasto
  4. Di wasto
  5. Wasto

Explanation:

Ang mga likas na yaman sa ating bansa ay kailangan nating pangalagaan. Dito tayo kumukuha ng mga hilaw na materyales na ating pinoproseso upang maging iba’t-ibang mga produkto. Kung hindi natin papahalagahan ang mga likas na yaman, mauubos ang mga ito at magkakaroon ng matinding pagkukulang sa supply ng mga materyales. Kailangan din nating alagaan ang kalikasan dahil dito nanggagaling ang mga likas na yamang ito. Kung ating aabusuhin ang kalikasan, mawawalan tayo ng pagkukunan ng mga likas na yaman at tayo din ang kawawa sa bandang huli.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga likas yaman, bisitahin lamang ang link na ito:

brainly.ph/question/5729464

brainly.ph/question/8192731

#BrainlyEveryday


Comments