Ano Ang Kahalagahan Ng Cedula Noong Panahon Ng Espanyol

Ano ang kahalagahan ng cedula noong panahon ng espanyol

Answer:

Sa pagtuturo ukol sa kasaysayan ng Pilipinas, natutuhan ng mga mag-aaral ang tungkol sa kung paano pinilas ni Andres Bonifacio at ng ilang kasapi ng Katipunan ang kanilang sedula bilang tanda ng kanilang pag-aaklas at ng kanilang determinasyon na labanan ang mga Espanyol.

Ang sedula, o katibayan ng pagbabayad ng buwis, ay kilala bilang sertipiko ng pagkakakilanlan. Pinatutunayan nito kung saan nakatira ang isang mamamayan at kung gaano kalaki ang taunan nitong kita. Sa pamamagitan ng sedula, matutukoy ng munisipalidad o ng lokal na pamahalaan kung magkano ang makokolekta nilang buwis sa isang pamayanan.

Cedula Personal

Ang pampamayanang buwis ay isa sa pinakamatandang pinagkukunan ng badyet ng lokal na pamahalaan. Ipinakilala ito ng mga Espanyol noong 1884 at orihinal na kilala sa bilang cedula personal. Ang pagkakaroon ng sedula ay resulta noon ng isang kautusan mula sa Hari ng Espanya. Sa ilalim ng kautusan, ang lahat ng mamamayan na may gulang 18, anoman ang kanilang nasyonalidad, ay kinakailangang magbayad ng bagong buwis. Pagkatapos magbayad ang isang indibidwal, siya ay bibigyan ng sedula.

Sa kasalukuyan, ang sedula ay ginagamit pa rin sa pagtukoy ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal sapagkat nakasaad dito ang mga personal na impormasyon tulad ng pangalan, tirahan, trabaho, tax identification number, at katayuang sibil

Explanation:

sana po maka tulong


Comments