0410041d Aed8 Chocolate May Nabasa Ako Na Hindi Naman Pal\Xe1 Sa Lahat Ng Pagkakataon Ay Masama Ang

АН 께 CHOCOLATE May nabasa ako na hindi naman palá sa lahat ng pagkakataon ay masama ang epekto ng ilang pagkain sa ating katawan, THE lalo na ang mga matatamis gaya ng IFTTE tsokolate. Sa totoo lamang may ilang benepisyo rin ang nakukuha dito. Ilan sa mga ito ay: Nakapagpapayat-Tama ang pagkakabasa mo, nakapagpapapayat ang tsokolate, kabaliktaran sa pag- aakala ng marami na ito ay nakatataba. Sa ginawang pag-aaral ng mga eksperto sa University of California, natuklasan na nakapagpapabilis ng metabolismo ang tsokolate. Dahil dito, agad na natutunaw sa ating katawan ang calories na nagiging sanhi ng pagtaba. Nakapagpapatalino - Kukuha ka ba ng pagsusulit? Bakit hindi muna kumain ng ilang bar ng tsokolate para mas gumana ang iyong IQ (Intellectual Quotient)? Ang dark chocolate ay mayaman sa kemikal na nakapagpapaalerto sa utak ng tao. Ito ay ang flavonoids. Nagpapabilis ang kemikal na ito ng daloy ng dugo na patungo sa utak. Nakapagpapalakas - Mahusay itong baunin kung ikaw ay namamasyal. Bakit? Tumutulong kasi ang theobromine na taglay nito para mas lalo kang lumakas. Ang kemikal na ito ay matatagpuan din sa kape at ilang energy drink. Maganda rin itong pagkunan ng magnesium at chromium na kilala bilang energy producer. Nakaaalis ng kulubot sa mukha/balat - Kung ang mga prutas at gulay ay nagtataglay ng antioxidants, gayundin ang tsokolate na siyang nagbibigay ng makinis na mukha o kutis sa iyo. Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Sagutin ang mga tanong batay sa mga kaalamang natutuhan sa teksto. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang tungkulin mo pagdating sa pagkain? 2. Paano mo isinasagawa ang tungkuling ito? 3. Ano-ano ang kabutihang dulot ng pagkain ng tsokolate? 4. Kailan nagiging masama ang pagkain ng tsokolate? 5. Anong mahalagang kaalaman ang napulot mo sa teksto?

Answer:

amazing

Explanation:


Comments