Naipaliwanag Sa Iyo Ang Kaugnayan Ng Konsensiya Sa Likas Na Batas Moral Mula Sa Babasahin. Sa Bahagi

Naipaliwanag sa iyo ang kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral mula sa babasahin. Sa bahaging ito ng aralin, ilalapat mo ang mga natutuhan mong konsepto tungkol sa konsensiya sa pang-araw-araw mong buhay. Pagganap Gawain 5 Panuto: 1. Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba. Suriin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa sasabihin o paghuhusga ng iyong konsensiya sa mga situwasyong ito. Isulat ito sa unang hanay o kolum. 2. Kilalanin naman ang pinagbatayan ng konsensiya sa paghusga nito at isulat ito sa ikalawang hanay o kolum. 3. Gabay mo ang unang situwasyon bilang halimbawa. Situwasyon 1. May proyekto ang inyong klase at kinakailangang magbigay ng kaunting halaga ang bawat isa upang ipambili ng mga materyales na gagamitin. Nang magsabi ka sa iyong ama, agad naman siyang pumayag ngunit nagtagal nang bahagya bago siya nakapagbigay ng pera dahil maliit ang kaniyang kita. Ayon sa kaniya, kailangang unahin ang paggastos ng pamilya sa araw-araw. Kung kayat nang nagbigay na siya ng pera sa iyo, mahigpit niyang ipinagbilin na ibayad mo ito kaagad. Ngunit pagdating mo sa klase, nalibang ka sa dami ng gawain at hindi mo napansin na nawawala na pala ang perang ibinigay ng Tatay mo. Ano ang iyong gagawin? Batayan ng Paghuhusga Paghuhusga ng konsensiya (Likas na Batas Moral) Sasabihin ko sa Tatay ko ang totoong Kailangang pahalagahan ang nangyari. Tutulong ako sa paghahanap ng katotohanan, kayat masama ang paraan upang makabayad sa proyekto. magsinungaling. Situwasyon 2. Alam ni Jillian na nagkokopyahan ang kaniyang mga kaklase tuwing araw ng pagsusulit, ngunit hindi sila nahuhuli ng kanilang guro. Isang araw, hindi inaasahang may pagsusulit sila may pagsusulit sila sa Matematika. Hindi nakapaghanda si Jillian kung kayat nag-aalala siya na makakuha ng mababang marka. Isang kaklase ang lumapit sa kaniya at nag-alok na pakopyahin siya sa pagsusulit. Kung ikaw si Jillian, ano ang gagawin mo?

Answer:

75cd5u7f75ff747f576f67hn90jbnhgungg


Comments