Alamat Ng Damong Makahiya Noong Una, Makahiyay Kilala, Magandang Bulaklak, Bituin Ang Kapara May Ban
ALAMAT NG DAMONG MAKAHIYA Noong una, Makahiyay kilala, magandang bulaklak, bituin ang kapara May bangong kahall-halina, walang tinik kanyang mga sanga. Dahil sa papuri, Makahiyay nagsuplada. Ayaw tumingin sa mga kasama, Ayaw makiusap, ayaw tumawa, Minsan bumaha, langgam na maliit umakyat sa Makahiya. Itoy nagalit, langgam pinababa. Ni hindi dininig ang pagmamakaawa. Saka inuga uga kanyang mga tangkay, nahulog sa sanga ang kawawang langgam. Dinala ng agos, nalunod, namatay. Sa masamang asal lahat nakakita, Hindi rin nagustuhan ng kanilang Diwata. Upang magtanda, Damong Makahiya inalis kanyang ganda, Nilagyan ng tinik buong katawan niya, hindi na mabango bulaklak na taglay Sa mga kasama napahiyang tunay Sa tabing daan malaking abala, matinik na sanga nitong Makahiya Itong naging ngalan matapos isumpa, sapagkat pag nasaling di man sinadya. Dahoy tumitiklop tila nahihiya. 1. Sino ang pangunahing tauhan sa Alamat na patula? A Langgam Makahiya C. Diwata D. Dahon 2. Saan kaya ito nangyari? А. Sa loob ng bahay C. sa halamanan B. Sa itaas ng punongkahoy D. sa ilalim ng tulay 3. Ano-ano ang mga katangian ni Makahiya noong una? A. May maganda at mabangong bulaklak c. Walang mga dahon B. Walang tinik ang kanyang mga sanga D. A at B 4. Dahil sa papuri sa kanya, ano ang kanyang ginawa? A. Nagsasayaw sa tuwa B. nagmalaki C. nagsuplada D. Bat C 5. Noong bumaha, sino ang umakyat kay Makahiya? A Paru-paro B. Tutubi B. Tipaklong D. Langgam 6. Ano ang ginawa ni Makahiya? A. Pinababa si Langgam at inuga ang kanyang mga sanga B. Hinayaang makaakyat si Langgam C. Pinayungan si Langgam ng kanyang mga dahoon D. Pinalo si Langgam upang bumaba 7. Ano ang nangyari kay Langgam ng mahulog siya sa tangkay ni Makahiya? A. Dinala ng agos at nalunod C. Iniligtas siya ng kasamahan ni Makahiya B. Bumagsak sa isang dahoon D. Nakakapit siya sa umaanod na tangkay
Answer:
ano ga namang dami niyan at hindi ko maintindiham
Comments
Post a Comment