Sa La Pagsulat Ng Sanaysay C. Panuto: Sumulat Ng Sanaysay Tungkol Sa "Halalan Sa Pilipinas". Pansini
SA LA PAGSULAT NG SANAYSAY C. Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa "Halalan sa Pilipinas". Pansinin ang tatlong bahagi nito. Panimula, katawan at wakas. Isaalang-alang din ang wastong paggamit ng mga salita sa iyong sanaysay.
Answer:
Halalan sa Pilipinas
Explanation:
Ang eleksiyon o halalan ay isang pormal na proseso ng pagpapasiya kung saan ang isang populasyon ay pumipili ng mga indibiwal hahawak ng isang publikong opisina. Ang mga halalan ay karaniwang mekanismo kong saan ang modernong kinatawan ng demokrasya ay isinasagawa simula ika-17 siglo. Ang mga halalan ay maaring humalal ng sangay na ehekutibo, mga miyembro ng lehislatura, at minsan ay ng hudikatura gayundin ang mga miyembro ng pangrehiyon at lokal na gobyerno. Ang prosesong ito ay isinasagawa rin sa maraming pribado at pangnegosyong mga organisasyon. Para sa higit na malaking bilang ng mga Pilipino na walang alaala sa buhay bago ang batas militar, ang ay parang tubig; isang paraan para linisin ang katawang politikal.
Nong 1935, nang ilunsad ang unang pambansang halalan at hanggang ngayon sa kasalukuyan ay patuloy parin ang pagsasagawa ng halalan upang mapasaayos at mapaunlad ang ating bansa at higit sa lahat ay magkaroon ng kapayapaan ang bawat isa. Sa pagkapangulo ang itinakdang petsa ay iba-iba at sa ating bansang Pilipinas ay tayoy naghahalal kada 7-taon. Kung ang isang halalan ay tinawag ang mga kandidato at mga tagasunod nito ay nagsasagawa ng pangangampanya na isang pakikipagpaligsahan sa ibang mga katunggaling mga kandidato para sa mga boboto ng mga konsituente. Upang makuha ang boto, ang mga kandidato ay naghahayag ng mga plataporma at mga panagako na kanyang ipapatupad o gagawin sakaling mahalal sa posisyon.
At sa pagpili ng ating iboboto ay dapat nating pag-isipan ng mabuti o suriin dahil sa ating pagboto nakasalalay ang ating kinabukasan o ang kinabukasan ng ating bansa. Ang boto natin ay napakahalaga kayat huwag nating hayaan na mabili ang ating boto. Tandaan na sa pagboto natin nakasalalay ang ating bansa.
Comments
Post a Comment