ALAMAT NG DAMONG MAKAHIYA Noong una, Makahiyay kilala, magandang bulaklak, bituin ang kapara May bangong kahall-halina, walang tinik kanyang mga sanga. Dahil sa papuri, Makahiyay nagsuplada. Ayaw tumingin sa mga kasama, Ayaw makiusap, ayaw tumawa, Minsan bumaha, langgam na maliit umakyat sa Makahiya. Itoy nagalit, langgam pinababa. Ni hindi dininig ang pagmamakaawa. Saka inuga uga kanyang mga tangkay, nahulog sa sanga ang kawawang langgam. Dinala ng agos, nalunod, namatay. Sa masamang asal lahat nakakita, Hindi rin nagustuhan ng kanilang Diwata. Upang magtanda, Damong Makahiya inalis kanyang ganda, Nilagyan ng tinik buong katawan niya, hindi na mabango bulaklak na taglay Sa mga kasama napahiyang tunay Sa tabing daan malaking abala, matinik na sanga nitong Makahiya Itong naging ngalan matapos isumpa, sapagkat pag nasaling di man sinadya. Dahoy tumitiklop tila nahihiya. 1. Sino ang pangunahing tauhan sa Alamat na patula? A Langgam Makahiya C. Diwata D. Dahon 2. Saan kaya ito nangyari? ...